Kinumpirma ng South Korean Health Department ang ikalawang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS sa kanilang bansa.
Ito’y makaraang mahawaan ng MERS ang pasyenteng nag-alaga sa kaniyang asawa na kontaminado ng sakit matapos ang biyahe nito mula sa bansang Bahrain.
Gayunman, inihayag din ng Health Ministry ng SoKor na patuloy pa nilang inoobserbahan ang iba pang kasama ng dalawang nagkasakit dahil sa posibilidad na madagdagan pa ng isa dahil sa mayroon na ring mataas na lagnat ang 76 anyos na lalaking kasama ng mga ito sa silid ng ospital.
Magugunitang naitala ang unang kaso ng MERS sa Pilipinas noong Pebrero ngunit agad ding nabigyan ng karampatang atensyong medikal hanggang sa mag-negatibo ang pasyante sa naturang sakit.
By Jaymark Dagala