Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umakyat na sa dalawa ang kaso ng mga Filipinong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa United Arab Emirates (UAE).
Hindi naman pinangalanan ng DFA ang 34-anyos na Pinoy na panibagong tinamaan ng virus.
Pero siniguro naman ng DFA na nasa mabuti na itong kalagayan ngayon.
Mayroon umanong 11 kaso ng COVID-19 sa UAE at dalawa sa mga ito ang Pilipino.
Samantala, ayon sa DFA, masusi naman nilang mino-monitor ang kalagayan ng unang Pinoy na tinamaan ng virus sa UAE matapos na hindi parin umano bumubuti ang kalagayan nito.