Naitala ng Department of Health o DOH ang ikalawang kumpirmadong kaso ng polio sa bansa, matapos ang 19 na taon.
Ito ay ang limang taong gulang na batang lalaki mula sa Laguna na nagpositibo sa polio virus batay sa ipinadalang samples ng DOH sa Japan National Institute for Infectious Diseases.
Ayon sa DOH, nakitaan ng mahinang immune system ang nabanggit na bata at nakaranas ng multiple pediatric diseases.
Dadag ng DOH, nagsimulang makaranas ng pagkaparalisa ang biktima noong Agosto 25.
Sa kasalukuyan ay nakalabas na sa ospital ang bata at nakalalakad bagama’t patuloy pa rin itong minomonitor ng ahensiya.
Magugunitang kinumpirma ng DOH ang unang kumpirmadong kaso ng polio sa Lanao Del Sur matapos ang 19 na taong pagiging polio-free ng bansa.