Mas bigat na parusa ang naghihintay sa ikalawang naarestong hacker ng Commission on Elections (COMELEC) website.
Ito ay matapos na umamin ang suspek na si Jonel de Adis na sya mismo ang responsible sa pag-leak ng voter’s information habang si Paul Biteng ang unang nahuling suspek ay may partisipasyon lamang sa ginawang pag-hack.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nahaharap sa 60 taong pagkabilanggo ang suspek sakaling mapatunayang guilty maliban pa sa iba pang penalty na ipapataw ng korte.
Nagpapatuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa iba pang sangkot sa ginawang pagpasok sa COMELEC website.
By Rianne Briones