Umapela ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa publiko na panatilihin sa isipan ang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad tulad ng lindol.
Kahapon, sabay-sabay na nag-duck, cover and hold ang mga pulis at sibilyan sa loob ng Kampo Crame bilang pakikiisa sa ikalawang bahagi ng nationwide earthquake drill.
Sunud-sunod na nagsilabasan sa kani-kanilang mga opisina ang mga kawani ng PNP at nagtungo sa grandstand bilang iyon ang itinalagang evacuation area.
May rumesponde ring emergency team na agad nagbigay ayuda sa mga kunwari’y nabiktima ng lindol at binigyan ng agarang lunas.
Maging sa isang malaking mall sa Mandaluyong City, may mga nakalatag na tent kung saan duon nakahimpil ang rescue teams na siyang tutugon sa pagdating ng tinaguriang the big one.
Maliban dito, ginawa rin ang earthquake drill sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila gayundin sa iba’t ibang panig ng bansa bilang paghahanda sa pagsalanta ng kalamidad.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Ikalawang Nationwide earthquake drill isinagawa was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882