Gumaling na ang 59 na taong gulang na una nang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing pasyente na unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Biñan, Laguna ay nakalabas na ng Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center kahapon.
Nagdiwang naman ang medical staff at inabangan ang pasyente sa hospital elevator at nagpalakpakan sa recovery nito.