Tuluyan nang giniba ang mahigit 200 taong Ordoveza House sa Majayjay Laguna na ikalawang pinaka-antigong bahay sa Pilipinas
Sinasabing nabili ng development mogul na si Jose Rizalino Acuzar ang Ordoveza House nang wala umanong pakikipag-ugnayan sa national historical commission o maging sa lokal na pamahalaan
Kasunod nito, ililipat umano ang Ordoveza House sa tanyag na las casas de acuzar sa Bagac Bataan na kilala bilang heritage resort
Itinayo nuong 1744 ang Ordoveza House na siyang ikalawang bahay na bato sa pilipinas kasunod ng Jesuit house o Museo de parian na matatagpuan naman sa Cebu city
By: Jaymark Dagala