Nagtungo na si North Korean Leader Kim Jong Un sa Vietnam para sa kanilang nakatakdang ikalawang pagkakataong pag-uusap ni US President Donald Trump.
Kasunod nito ay nagbabala ang North Korea kay Trump na huwag pakinggan ang paninira ng kanyang mga kritiko laban sa ginagawang hakbang ng North Korea upang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa
Ito’y makaraang magbunsod ng kaliwa’t kanang pagtutol mula sa mga opisyal ng amerika ang unang pag-uusap nina Trump at Kim Jong Un.
Magugunitang sa kanilang unang pag-uusap ay ginarantiya ng dalawang panig na magtutulungan sila tungo sa tuluyang denuclearization o tuluyang pagbabawal ng paggamit ng armas sa Korean Peninsula.
—-