Lalarga na ang ikalawang round ng senior men’s basketball finals ng UAAP season 79, mamayang hapon.
Tatangkain ng Dela Salle Green Archers na sungkitin ang kanilang ika-siyam na kampyonato.
Sasagupain ng La Salle ang kanilang arch-rival Ateneo Blue Eagles sa game 2, sa Araneta Coliseum, mamayang alas tres y medya.
Inaasahang mas matinding aksyon ang ipakikita ng Ateneo dahil ito na ang kanilang do-or-die game kontra Archers na mayroong twice to beat advantage.
Aminado naman si La Salle coach Aldin Ayo na matinding pressure ang nararamdaman nila ngayon dahil nasa kanila ang momentum.
Magugunitang nalusutan ng Archers ang Eagles sa score na 67-65 sa game 1 ng finals, noong Sabado.
By Drew Nacino