Ipalalabas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ikalawa sa tatlong serye ng dokumentaryong naglilinaw sa claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, may pamagat itong “Pamanang Karagatan” isang pagpapatuloy ng nauna nitong dokumentaryo na Kalayaan: Karapatan sa Karagatan na ipinalabas noong Independence Day.
Mapapanood mamayang alas-4:00 ng hapon sa facebook page ni Pangulong Noynoy Aquino at ng Department of Foreign Affairs o DFA kung saan, tampok ang kasaysayan ng usapin sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina.
Muling ipinaalala ni Coloma ang layunin ng programa na maitaas ang kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea at maipaunawa ang posisyon ng Pilipinas sa usapin.
By Jaymark Dagala