Aasahan ang medyo mahabang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address sa darating na July 24.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na marami ng accomplishment na iuulat ang Pangulo di katulad ng unang SONA na nagsisimula pa lamang ito.
Inaasahan din aniya na ibibida ng Presidente ang mga benepisyong tinatanggap na ngayon ng mga mahihirap na Pilipino.
Sinabi ni Andanar na marami pang gagawin ang Duterte Administration lalo na sa kampanya sa katiwalian, illegal na droga at iba kayat abangan ang ikalawang SONA ng Presidente.
By: Aileen Taliping
Ikalawang SONA ng Pangulo asahan na mas mahabang talumpati – Sec. Andanar was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882