Maraming first time ang isasagawa sa ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasayasayan ng SONA, isusumite ni Pangulong Duterte ang 2018 Proposed National Budget na nagkakahalaga ng 3.767 trillion pesos.
Ilalahad din ni Pangulong Duterte sa kanyang ikalawang SONA na may temang “A Comfortable Life for All” ang mga unang pagbabagong nagawa sa kanyang unang taon sa tungkulin.
Sa kauna-unahang pagkakataon din ay magkakaroon ng press briefing pagkatapos ng SONA para naman sagutin ng Pangulo ang mga isyung ipupukol sa kanyang talumpati.
Ito rin ang magiging unang pagkakataon na i-eere ang SONA sa pamamagitan ng mga social media sites at may hashtag na #DuterteSONA2017.
- Krista De Dios | Story from Aileen Taliping