Asahan ang ikalawang-sunod na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Enero 11.
Aabot sa P0.75-P0.90 ang kada litro ang idadagdag sa presyo ng gasolina.
Magkakaroon naman ng P0.95-P1.05 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.
Habang ang kerosene naman ay magdadagdag ng P0.80 hanggang P0.90 kada litro.
Ang isasagawang taas-presyo ay bunsod ng pagsipa ng demand sa langis at paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.—sa panulat ni Airiam Sancho