Inilabas na ng mga awtoridad sa France ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek sa pagpatay sa pari sa Normandy.
Ang suspek na si Abdel Malik Petitjean, 19-anyos ay kabilang sa binabantayan ng mga awtoridad dahil sa tangkang pagbiyahe sa Syria.
Magugunitang kasama ni Abdel ang isa pang suspek na si Adel Karmiche na napatay ng mga awtoridad matapos gilitan si Father Jacques Hamel.
Hinostage pa nito ang apat na parokyano ng simbahan sa Saint-Etienne-du-Rouvray.
Inilabas din ang video kung saan makikita na nanunumpa ng mga suspek sa ISIS.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AFP/ BBC