Mas mahigpit ang ginagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan upang masiguro ng seguridad sa ikalawang taon ng Pagoda Festival revival sa Bocaue, Bulacan.
Mas matibay na pagoda ang ginawa na kayang magsakay ng 250 katao.
Ngunit binigyang diin ng simbahan na 200 lamang ang papayagang sumakay dito upang maiwasan na trahedya kung saan lumubog ang pagoda na ikinasawi ng maraming tao.
Kinakailangan na magparehistro muna sa simbahan kung saan bibigyan sila ng life vest na gagamitin sa prusisyon.
Taong 1993 nang lumubog ang pagoda sa Bocaue at nito lamang nakalipas na taon nang muling buhayin ang nasabing tradisyon.
By Rianne Briones