Asahan na bukas, Martes ang ikalawang linggong tapyas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa kumpaniyang UniOil, maaring bumaba sa P0.20 centavos hanggang P0.30 centavos ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.
Aabot naman sa P0.90 centavos hanggang P1.00 ang magiging bawas sa presyo sa kada litro ng gasolina.
Ang bahagyang rollback sa presyo ng langis ay bunsod ng pagpapalabas ng langis mula sa Strategic Petroleum Reserve ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero