Nakatakdang tutukan ang isyu sa land reform at national industrialization sa paggulong ng ikalawang yugto ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA.
Ayon kay CPP Founder Jose Maria Sison, kakailanganin ang land reform upang mapalaganap ang lupain para sa masaganang ani, mga materyales at pagtatayo ng broad market para sa industrial at agricultural products.
Tinawag naman ni Sison na fake and complete failure ang dating land reform program kung saan nahirapan ang mga magsasaka na makapagbayad sa high redistribution price na pinagkasunduan ng mga landlord at gobyerno noon.
Magpapatuloy ang usaping pangkapayapaan ng gobyerno at mga rebelde sa October 8 hanggang 12 sa Oslo, Norway.
By Rianne Briones
Photo Credit: Reuters