Posibleng ilabas ngayong linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlo at huling narco-list ng mga pulitiko at iba pang personalidad.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, binusisi ng husto ang narco-list upang matiyak na beripikado ang mga impormasyon na nag-uugnay sa mga opisyal at iba pang personalidad sa illegal drug trade.
Maka-ilang ulit anyang naunsyami ang pagsasapubliko ng ikatlong listahan dahil nais ng Pangulo na beripikahin ito ng limang beses ng iba’t ibang law enforcement agencies.
Ipinaliwanag ni Aguirre na dahil sa leksyon na natutunan sa kaso ni Pangasinan Congressman Amado Espino ay maka-ilang ulit pinaberipika ni Duterte ang narco-list.
By Drew Nacino