Ginugunita ngayon ang ikatlong anibersaryo ng Marawi siege.
Kaugnay nito, nanawagan si Vice President Leni Robredo sa concerned agencies ng gobyerno na bilisan naman ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Robredo, ang Marawi siege ay hindi lamang isang trahedya na ginugunita kundi isang problema na hanggang ngayon ay nangangailangan pa ng solusyon.
Batay sa datos ng Al-Mujadilah Development Foundation, Ranaw Rescue Team at Moro Consensus Group, nasa 17,000 residente pa ng Marawi City ang nananatili pa rin sa mga temporary shelters.
Nagbigay pugay ang Philippine Army sa kanilang mga kasamahang nasawi sa Marawi Siege, tatlong taon na ang nakakaraan.
Nag alay ng mga bulaklak at dasal ang Philippine Army para sa 168 sundalong nasawi sa limang buwang pakikipaglaban sa Maute group.
Ilang miyembro lamang ng 103rd Infantry Brigade ang nakadalo sa seremonya na ginanap sa loob ng Kampo Ranao bilang pagsunod sa quarantine measures.
Nagsimula ng Mayo 23 ang Marawi Siege at natapos ng Oktubre nang mapatay ang lider ng Maute group na si Isnilon Hapilon.