Sinimulan sa misa ang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng paghagupit ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Ginang Evelyn Encina, isa sa mga survivor ng pananalasa ng bagyong Yolanda, kaninang ala-7:00 ng umaga ay ginawa ang isang misa sa Plaza ng Tanauan.
Sinundan ito ng wreath laying sa mga monumento kung saan inilibing ang mga biktima ng bagyo.
Permanent houses
Nagagamit na ang mga pabahay na itinayo ng pamahalaan para sa mga nakaligtas mula sa bagyong Yolanda.
Ayon kay Ginang Evelyn Encina, isa sa mga survivor mula sa Barangay San Roque sa Tanauan, Leyte, wala ng nakatira sa kanilang coastal areas, subalit bumabalik pa din ang mga ni-relocate, para mangisda.
Ipinaliwanag ni Encina na mangingisda ang karamihan ng inilikas at hindi nade-develop ang lupang sakahan sa kanilang mga pinaglipatan.
Bahagi ng pahayag ni Ginang Evelyn Encina
“Pinagpapasalamat namin na buhay pa rin kami”
Lubos ang pasasalamat ng mga nakaligtas mula sa paghagupit ng bagyong Yolanda, sa regalo ng buhay.
Sinabi ni Ginang Encina, na unti-unti na rin silang nakabalik sa normal na pamumuhay at nakakapag-aral na rin ang mga bata sa kanilang lugar.
Sa ngayon, nangangailangan pa aniya sila ng mga upuan at aklat para sa kanilang mga mag-aaral.
Bahagi ng pahaayg ni Ginang Evelyn Encina
Tacloban City
Tuluy-tuloy naman ang pagkilos ng Tacloban City Government para mabigyan ng bahay ang marami pang residente nilang nabiktima ng super bagyong Yolanda.
Sa katunayan, ipinabatid sa DWIZ ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na nakikipag-koordinasyon na sila sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para mapabilis ang pabahay ng mga naapektuhan ng super bagyo.
Bahagi ng pahayag ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez
By Katrina Valle | Judith Larino | Ratsada Balita