Nagpatuloy na ngayong Miyerkules ang ikatlong araw ng 2022 Online Bar Examinations.
Ang paksa ng eksaminasyon ngayong araw ay Civil Law na nagsimula alas-8 ng umaga kaninang hanggang alas-12 ng tanghali, at Civil Law 2 and Practical Exercises na magaganap mamayang alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.
Noong Nobyembre a-13 na ikalawang araw ng eksaminasyon, nasa 9,196 ang kumuha ng Bar Exam.
Magaganap naman sa Nobyembre a-20 ang huling araw ng pagsusulit.
Samantala, bago matapos ang 2022 o pagpasok ng 2023 inaasahang ilalabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2022 Online Bar Examinations.