Dumagsa pa sa Commission on Elections (COMELEC) ang mas maraming kandidato sa ikatlong araw nang pagpa-file ng COC o Certificate of Candidacy ngayong araw na ito.
Kabilang sa mga nag-file ng COC sa pagka-senador sina dating Senador Francis Kiko Pangilinan, ACT-CIS Partylist Representative Samuel Pagdilao, retired General Romeo Maganto, MMDA Chairman Francis Tolentino, dating Senador Juan Miguel Zubiri, dating Akbayan Partylist Representative Risa Hontiveros, Princess Jacel Kiram at dating Pampanga Governor Mark Lapid samantalang nag-file naman ng COC para kay Senate President Franklin Drilon ang kapatid nitong si Cesar Drilon.
Nag-file rin ng kaniyang COC para naman sa pagka-Bise Presidente si Senador Antonio Trillanes IV samantalang ilan sa mga naghain ng COC bilang kinatawan ng partylist groups sina Atty. Harry Roque para sa Kabayan Partylist, Sitti Djalia Hataman ng Amin Partylist, Leah Paquiz ng ang Nars Partylist at Julius Malicdem ng Anak Kalusugan Partylist.
Nag-file rin ng COC para sa pagka-kongresista tulad nina Regina Reyes ng lone district ng Marinduque, Bai Sandra Sema para sa unang distrito ng Maguindanao at Cotabato, Rene Relampagos para sa first district ng Bohol at Maria Carmen Zamora ng first district ng Compostella Valley.
Sumugod din sa Comelec ang team ni Kalookan City Mayor Recom Echiverri na nag-file ng COC para tumakbong muli sa pagka-alkalde gayundin si Manila Mayor Joseph Erap Estrada bilang re-electionist kasama ang Vice Mayoralty tandem nitong si Honey Lacuna .
Kabilang din sa naghain ng kanilang coc ngayong araw sina Ven Serrano bilang Pangulo at Neil Aldea para sa pagka-Bise Presidente mula sa grupong Bigkis Rizalista at Alejandro Aves, Vicente Toring, Jonathan Calonia at Jeanie Wolf sa pagka-senador.
Ang testigo naman sa Maguindanao massacre na si Sukarno Uka Badal ay naghain ng COC sa pagka-bise alkalde ng Sultan Sabarongis sa Maguindanao kasama ang ka-tandem na tatakbo naman sa pagka-alkalde na si incumbent Maguindanao Second distrIct Board Member Bobby Katambak.
By Judith Larino | Allan Francisco | Aya Yupangco