Dumating na sa Pilipinas kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 mula Cebu ang ikatlong batch ng Pfizer Biontech COVID-19 vaccines para sa mga edad 5 hanggang 11.
Ang naturang mga shipment ay binubuo ng 780,000 doses na bahagi ng mahigit 2.3M doses ng Pfizer jab para sa nasabing age group na binili ng gobyerno sa tulong na rin ng World Bank.
Inaasahan naman ng gobyerno na aabot hanggang 6M doses ng bakuna ang darating sa bansa ngayong buwan kung saan, target ng gobyerno na mabakunahan ang 15M kabataang edad 5 hanggang 11. —sa panulat ni Angelica Doctolero