Nakabalik na bansa ang karagdagang animnapu (60) pang Overseas Filipino Workers o OFW’s na nagmula sa bansang Kuwait.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Brigido Dulay, karamihan aniya sa mga umuwing OFW’s ay mga biktima ng pang-aabuso mula sa kanilang employer.
Ito na ang ikatlong batch ng OFW’s na dumating sa bansa mula nang magbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng ‘ban’ sa pagpapadala ng manggagawang Pilipino sa Kuwait.
Magugunitang natagpuan kamakailan sa loob ng isang freezer ang 30-anyos na si Joanna Dimapilis na hinihinalang isang taon nang itinatago.