Ligtas at epektibo para sa mga edad anim na buwan hanggang limang taon ang tatlong doses ng Pfizer-Biontech vaccines.
Sinabi ito ng US Food and Drug Administration kasabay ng pinaplanong pulong para pag-usapan kung papayagan na ring mabakunahan ang mga natitirang underage group na hindi pa eligible sa bakuna.
Ayon kay Pfizer CEO Albert Bourla, batay sa kanilang ginawang Clinical trial, lumabas na 80.3% na epektibo ang tatlong doses na 3 micrograms kada turok.
Bagaman mayroong side effects, tiniyak ni Bourla na kaparehas lang ito ng iba pang bakuna.
Umaasa naman ang Pfizer official na makukumpleto na ang pag-aaral upang maturukan na rin ng bakuna ang mga anim na taon hanggang limang buwang gulang.