Inihain na sa Kamara ng ilang religious group at grupo ng mga abogado mula sa mindanao ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa kinatawan ng grupo na si Atty. Amando Ligutan, ang nasabing reklamo ay pirmado ng 12 Pari, mga Abogado, at miyembro ng non-government organization.
Pangunahing grounds sa inihaing reklamo ang Betrayal of Public Trust at Culpable Violation of the Constitution kaugnay ng paggastos ni VP Sara sa confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022 at Department of Education noong 2023.
Matatandaang inendorso ni Akbayan Pary-List Representative Perci Cendaña, ang unang impeachment complaint habang ang ikalawa naman ay inendorso nina ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, Gabriela Party-List rep. Arlene Bosas at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel. – Sa panulat ni Laica Cuevas