Target ng gobyerno na makapagsagawa ng isa pang mass vaccination drive kontra COVID-19.
Ayon kay presidential adviser for COVID-19 response Vince Dizon, dapat magkaroon ng isa pang “Bayanihan, Bakunahan” matapos maitala sa mahigit 16 million na bilang ng mga nabakunahan sa dalawang ikinasang mass vaccination noong Nobyembre at Disyembre.
Sinabi ni Dizon na hinihintay lamang nilang humupa ang Omicron surge at makapag recharge ang health workers maging ang LGUs bago muling isulong ang ikatlong malawakang bakunahan. —sa panulat ni Angelica Doctolero