Nakipag-pulong na ang MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa local disaster management officials para sa isasagawang ikatlong Metro Manila Shake Drill.
Nakatakdang isagawa ang apat (4) na araw na earthquake drill sa Hulyo 14 hanggang 17.
Hinimok ng MMDA maging ang private sector na makiisa sa naturang shake drill.
Ayon sa MMDA, tutunog ang alarma sa ganap na 4:00 ng hapon ng July 14 bilang senyales nang pagsisimula ng drill at kasado na ang prepositioning na isasagawa.
Kasabay nito ang pag-aatas sa mga barangay official na magtalaga ng evacuation centers.
By Judith Larino