Binubuo ng mga pulis ang karamihan ng nasa ikatlo at huling listahan ng mga umano’y may kinalaman sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Ito ang kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang ma-validate ang nasabing listahan.
Ayon sa Pangulo, hindi siya makapaniwalang marami pa ring pulis ang nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng droga sa kabila ng pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs.
Gayunpaman, sinabi ni Pangulong Duterte na magsisilbing legacy nito ang nasabing kampanya kung hindi man nito matapos lipulin ang droga sa bansa.
Bahala na, aniya, ang mga otoridad sa pagsasaayos ng bansa kung hindi makuha ngayon sa maayos na pakiusap ang mga sangkot sa droga.
Samantala, kinumpirma ni Pangulong Duterte na dawit ang mga Alcala ng Quezon Province sa illegal drug trade.
By: Avee Devierte