Umabot na sa tatlo ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos kumpirmahin ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay sa kanyang Twitter account ngayong Miyerkules na may panibagong OFW sa Hong Kong ang nagpositibo sa COVID-19.
Our Philippine Consulate General in Hong Kong reported that an OFW has tested positive for #Covid_19 – the third case involving a Filipino in HK. The worker is now in a quarantine facility undergoing treatment.
— Dodo Dulay (@dododulay) March 4, 2020
Ayon kay Dulay, kasaluyang naka quarantine ang nasabing Pinoy at sumasailalim sa treatment.
Matatandaang nagpositibo rin sa nasabing virus ang dalawa pang OFW sa Hong Kong matapos ma-expose sa iba pang COVID-19 positive na Chinese.
Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 80 Pinoy abroad ang nagpostibo sa COVID-19 at karamihan dito ay mula Diamond Princess cruise ship sa Japan.