Hindi nakikita ng beteranong boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino na magiging epic ang ikatlong paghaharap sa lona nina super middleweight Champion Saul “Canelo” Alvarez at Gennady Golovkin ngayong araw September 18, 2022.
Matatandaan na sa una nilang laban, nag-tabla ang dalawa at sa kanilang ikalawang sagupaan noong 2018, si Alvarez ang idineklarang panalo.
Ayon kay Tolentino, masyadong matagal ang nakalipas na apat na taon bago muling nasundan at naisakatuparan ang kanilang muling paghaharap, kaya wala na aniyang excitement.
Naniniwala ang boxing analyst na matatapos ang laban via Round 9 KnockOut at si Alvarez ang idedeklarang panalo.
Sa mga unang rounds aniya maaring makipagsabayan si Golovkin pero sa mga huling rounds maaring hindi na nito kayanin ang mga suntok ng mas batang si Alvarez.