Kinatigan ni US President Donald Trump ang posibleng pagkakaroon ng ikatlong pagpupulong sa pagitan nila ni North Korean leader Kim Jong Un.
Ito’y makaraang ipahayag ng North Korean leader na handa itong muling makipag-usap sa Amerika kung magkakaroon ito ng mas mabuting pakikitungo hinggil sa kanilang usapin.
Ayon pa kay Jong-Un, maghihintay siya hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon para sa isang matapang na pagpapasya ng Amerika patungo sa isang panibago at mapayapang pagpupulong.
Bagay na ikiinalugod ni Trump at sinabing nananatiling maganda ang relasyon ng dalawang bansa.
Hangad din aniya ni Trump ang tagumpay ng bansang North Korea.
Samantala, magugunitang hindi naging matagumpay ang huling pagpupulong ng dalawang bansa hinggil sa denuclearization ng North Korea.