Isang hakbang na lang ang Alaska Aces para masungkit ang kampeonato sa PBA Philippine Cup.
Ito ay makaraang padapain ng Alaska sa ikatlong sunod na pagkakataon ang koponan ng San Miguel sa iskor na 82-75.
Maganda na sana ang simula ni JR Reyes nang San Miguel na kumamada agad ng 13 puntos.
Pero agad ding natapos ang gabi para kay Reyes na napatalsik sa laro makaraang mapatawan ng foul penalty two.
Ito ay matapos na masiko ni Reyes ang itinanghal na Player of the Game na si Vic Manuel ng Aces.
Hanggang kagabi ay ramdam ng Beermen ang pagkawala ni June Mar Fajardo na nagpapagaling pa rin sa tinamo nitong injury noong semi finals.
Gaganapin ang Game 4 sa pagitan ng Aces at Beermen sa darating na Linggo sa Philsports Arena.
By Ralph Obina
*Photo Credit: PBA Images/ Inquirer.net