Pormal nang nagtapos ang ikatlong round ng Peacetalks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front na ginanap sa Rome, Italy.
Kabilang sa mga maituturing na napagtagumpayan sa naturang usapang-pangkapayapaan ay ang paglagda ng dalawang panig sa supplemental guidelines para sa monitoring ng mga paglabag sa karapatang pantao.
Dahil dito, paiiralin na ang Carhrihl o Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law na siyang una sa apat na substantive agenda na naaprubahan.
Maliban dito, naaprubahan din sa Peacetalks ang ground rules para sa comprehensive agreement on socio-economic reforms, habang umuusad naman ang diskusyon sa comprehensive agreement on political and constitutional reforms.
Inaasahang sa Abril gagawin ang ika-apat na yugto ng Peacetalks bagamat hindi pa malinaw kung saang bansa ito gaganapin.
By: Ralph Obina