Good news para sa mga motorista!
Epektibo na ngayong araw, ang ikatlong sunod na linggong tapyas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, ipatutupad ang P5 na tapyas-singil sa kada litro ng gasolina; P2 naman ang magiging bawas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel; habang .70 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Una nang nagpatupad ang kumpaniyang Seaoil Philippines, Petrogazz, at Shell kaninang alas-6 ng umaga habang mamayang alas-8 naman ng umaga magpapatupad ng kaparehong presyo ang Cleanfuel.
Sa ngayon ang antas ng year-to-date adjustments nito lamang Hulyo a-12 sa kada litro ng gasolina ay pumalo na sa P24.30 centavos habang P36.80 centavos naman sa kada litro ng diesel.