Isinampa na ng Department of justice sa Bureau of Internal Revenue ang ikatlong tax evasion case laban sa Mighty Corporation.
Batay sa reklamo ng BIR, nabigo ang Mighty Corporation na magbayad ng P1.39 Billion na halaga ng tax na nag-ugat sa pagsalakay ng gobyerno sa warehouse ng kumpanya sa Barangay Lagao, General Santos City noong Marso 24.
Nadiskubre sa naturang raid ang 4.7 million na pakete ng sigarilyo na may pekeng tax stamps.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sina Mighty President at dating Armed Forces Deputy Chief of Staff Edilberto Adan, Mighty Corporation Vice President for External Affairs at Assistant Corporate Secretary Alex Wongchuking, Executive Vice President at retired Judge Oscar Barrientos at Treasurer Ernesto Victa.
Sa ikatlong reklamo, papalo na sa P37.884 Billion ang umano’y tax na hindi Nabayaran ng mighty Corporaton sa pamahalaan.
By: Meann Tanbio