Posibleng pangalanan na ng Department of Information and Communications Technology ang ikatlong telecom provider sa Hunyo.
Taliwas ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay operational na ang bagong Telco provider ngayong unang quarter ng taon.
Inihayag naman ni D.I.C.T. Officer-in-Charge Eliseo Rio na posibleng magkaroon ng pagbabago sa draft rules para sa pagpili ng ikatlong Telco player kabilang ang pag-alis sa 10 Billion Peso net worth requirement.
Magugunitang itinakda ng National Telecommunications Commission ang deadline para sa submission of bids sa Mayo 24 habang ilalabas ang desisyon sa unang linggo ng Hunyo.
RPE