Suportado ng Malacañangang ikinakasang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa magkasunod na pagpatay sa tatlong kabataan kabilang ang dalawang menor de edad sa kamay ng mga miyembro ng Caloocan City Police.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakikiisa sila sa layunin ng Kongreso na linisin ang hanay ng Philippine National Police laban sa mga abusadong pulis.
Wala aniyang puwang sa lipunan ang mga pulis na pumatay kina Kian Loyd Delos Santos, 17-anyos; Carl Angelo Arnaiz, 19-anyos at Reynaldo de Guzman, 14-anyos.
Samantala, umapela naman ng tulong sa publiko ang Palasyo sa pagsisikap na malinis ang hanay ng PNP mula sa mga abusadong pulis.
Ulat ni Aileen Taliping
SMW: RPE