Mahirap na magastos ang ikinakasang provincial bus ban ng MMDA na experimental pa muna simula ngayong araw na ito.
Ayon ito kay Homer Mercado, dating pangulo ng Provincial Bus Operators Association (PBOA).
Sinabi pa sa DWIZ ni Mercado na mayroon ding kuwestyon sa prangkisang inisyu sa provincial buses na kailangang linawin din nila sa mga otoridad.
I think there is questing do’n sa franchise na sinasabi ng MMDA kasi ‘pag tinignan namin ‘yung franchise namin, halimbawa from Baguio to Pasay via EDSA, wala naman kasing restriction na nakalagay doon na hindi kami puwedeng mag-drop and pick-up, e. So, we want to clarify this with DOTr or LTFRB na kung talagang may provision na terminal-to-terminal. Ang alam naming terminal-to-terminal ay ‘yung point-to-point buses.
Subalit naniniwala si Mercado na resonable naman ang MMDA at hindi itutuloy ang hakbanging ito kung hindi talaga u-ubra.
Dalawa ‘yung nakita namin, passenger convenience.. sigurado naman na gano’n din ang gusto ng MMDA, resonable din naman sila. Atsaka this is on experimental stage na, if and when na talagang hindi siguro uubra, sinabi ng mga tiga-MMDA na babalik ang dating patakaran.
(Ratsada Balita Interview)