Dismayado ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa isinampang kaso ng Office of the Ombudsman laban kay Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa malagim na Mamasapano massacre.
Giit ni VACC Chairman Dante Jimenez, kulang pa at walang bigat ang mga kasong graft at usurpation of authority laban sa dating Pangulo kung ikukumpara sa nalagas na buhay ng 44 na indibiduwal.
Dagdag pa ni Jimenez, isang malaking insulto ito sa kanila at sa pamilya ng SAF 44 na naghain noon ng kasong reckless imprudence resulting in homicide na ibinaba lamang sa mas mababang kaso ng Ombudsman.
Sa huli, naniniwala si Jimenez na mababasura lamang ang isinampang kaso laban kay Aquino pag-akyat nito sa Sandiganbayan.
“Ang basa ko iwa-white wash ito, idi-dismiss ito, kasi unang-una sino ba naman ang magpapababa at magpapalit ng posisyon ng Presidente, usurpation yun eh, papabago ng desisyon ang Presidente sa kanyang mga utos, remember inutusan niya si dating PNP Chief Alan Purisima, suspended po yan, ng Ombudsman din mismo tapos fa-filan mo ng usurpation?” Pahayag ni Jimenez
(Ratsada Balita Interview)