Itinuring na isang panahon ng repleksyon ng mga Muslim ang ginawang pag anunsyo bilang isang holiday ang Eid’l Adha.
Ito ay ayon kay Professor Aisha Kunting mula sa Western Mindanao State University.
Labis daw na ikinatuwa ng mga Muslim sa Pilipinas ang ginawa ng Pangulo at ang panawagan nito na “work for the common good”.
Aniya, ang mensahe ng Eid’l Adha ay pagsasakripisyo at pag-iisip sa kung ano ang mas nakabubuti para sa nakararami ano man ang relihiyon.
“Ang Eid’l Adha ay tungkol sa pagsasakripisyo, Kristiyano man o Muslim yun ang kailangan natin. Hindi natin dapat iniisip lang ang sarili natin, dapat iniisip natin kung ano yung makakabuti para sa mga tao sa paligid natin, sa mga taong nangangailangan at higit sa lahat dun sa nakararami.”
Dagdag pa nito, dapat ang mensahe ng pagsasakripisyo ng Eid’l Adha ay araw-araw isinasabuhay.
“Yung idea ng sacrifice kailangan po ay kasama natin sa araw-araw sa buhay natin.”
Tinig ni Professor Aisha Kunting sa panayam ng DWIZ sa Ratsada Balita.