Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela.
Ito’y dahil sa matinding epektong hatid doon ng bagyong Lando na nagdulot ng mga pagbaha sa nasabing lugar.
Batay sa tala ng lokal na pamahalaan, tinatayang nasa 175 pamilya ang inilikas mula sa 4 na barangay makaraang umapaw ang Cagayan River.
Isa ang Isabela sa mga lugar na nakatikim ng matinding hagupit ng bagyong Lando matapos itong maglandfall sa Aurora.
By Jaymark Dagala