Isinailalim na rin sa state of calamity ang Ilagan City, Isabela dahil sa matinding pagbaha.
Ayon kay Ilagan City Mayor Josemarie Diaz, umabot na sa 41 barangay sa kanilang syudad ang lubog sa baha.
Apektado nito ang nasa mahigit 10,000 mga pamilya o katumbas ng mahigit 30 katao.
Naranasan ang pinakamataas na baha sa barangay Marana na halos umabot na sa bubungan ng mga bahay ang tubig.