Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Mayor Josemarie Diaz ng Ilagan City sa lalawigan ng Isabela.
Ayon ito kay Paul Cabacungan, Ilagan City Information Officer, na nagsabi pang positibo rin sa virus ang maybahay ni Diaz na si Evelyn at anak nilang si Councilor Jay Everson.
Ipinabatid ni Cabacungan na nakaquarantine na si Diaz at mag-ina nito, habang tuluy-tuloy pa ang contact tracing sa iba pang nakasalamuha ng alkalde sa kaniyang bahay at sa city hall.
Samantala, isinailalim na sa enhanced community quarantine ang buong lungsod dahil sa pagsirit pa ng kaso ng COVID-19 dito.