Hindi pa handa ang Pilipinas sa same sex marriage.
Reaksyon ito ni Gabriela Partylist Representative Luz Ilagan sa pagpasa ng same sex marriage sa Estados Unidos.
Ayon kay Ilagan, bagamat marami nang Pilipino ang bukas sa relasyon ng mga nasa LGBT o Lesbian Gay Bisexual Transgender Community, maraming pang kailangang paghahanda para makapagpasa ng batas sa same sex marriage.
Sinabi ni Ilagan na ang mahalaga ay napag-uusapan na ngayon ang same sex marriage sa iba’t-ibang sektor ng lipunan.
“Kapag tayo ay nagsulong na ng isang batas on same sex marriage meron din tayong mga babaguhin katulad ng family code natin, kasi ang mga probisyon doon ay hindi din aangkop sa same sex marriage, baka kailangan tignan din ang ating Saligang Batas, yun ang aking sinasabing paghahanda.” Ani Ilagan.
Hinimok din ni Ilagan ang mga pabor at hindi pabor sa same sex marriage na pag-aralan ang mga nangyayari sa mga bansang mayroong ganitong batas at busisiin ang naging desisyon ng U.S. Supreme Court sa isyung ito.
Sakali aniyang mayroong maghain ng panukalang batas sa same sex marriage sa kongreso ay handa itong suportahan ng Gabriela.
“Ang mahalaga ay nabubukas na yung isyu at matignan kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit meron pa tayong diskriminasyon against the LGBT, at tignan ang kahalagahan ng kanilang papel sa ating lipunan, meron nang landmark decision ang US Supreme Court, pag-aralan natin ito at tignan kung papaano natin na mahanda ang ating bansa na magiging katanggap-tanggap na din yan.” Paliwanag ni Ilagan. [one_fourth last=”no”][/one_fourth]
By Len Aguirre | Ratsada Balita