Aabot sa P13-bilyon ang alokasyong pondo na ipinukala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa national broadband program.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, prayoridad ng ahensya na magkaroon ng malaking pagbabago sa digital connectivity at access ng bansa ngayong mataas ang demand nito dahil sa karamihan ay nananatili sa kani-kanilang tahanan bilang pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang programa aniyang ito ay inisyatibo ng gobyerno para sa pagtatatag at mas mapag-ibayo ang ICT broadband infrastructure upang ang internet connectivity sa bansa ay mas maging malawak, accessible at abot-kaya sa publiko.
Target umano ng programang ito na maaabot ang lahat ng lugar sa bansa kabilang na ang mga hindi naabot pa hanggang sa ngayon ng internet.