Umusok at nasunog ang isang regulator board na nasa ilalim ng upuan ng isang tren (car number 66) ng Metro Rail Transit o MRT-3.
Ayon kay Department of Transportation o DOTr Undersecretary Cesar Chavez, nangyari ang insidente kaninang alas-6:00 ng umaga sa bahagi ng Northbound Santolan station.
Agad aniyang naapula ng train driver ang usok at apoy.
Ipinabatid ni Chavez na wala namang nasaktan sa insidente at maayos na napababa ang lahat ng mga pasahero.
Samantala, sinisi naman ni Chavez ang maintenance provider ng MRT-3 na Busan Universal Rail Incorporated o BURI sa mga nararansasang sunud-sunod na aberya ng MRT.
Ani Chavez kung na-overhaul lang ng BURI ang nasabing bagon ay hindi magaganap ang nasabing insidente.
Idinagdag din ni Chavez na sa mga panahong ito, September 2017, ay aabot na sa 23 ang dapat na na-overhaul ng BURI ngunit sa ngayon aniya ay aabot pa lang sa dalawang tren ang natatapos.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahaayg ni DOTr Usec. Cesar Chavez
Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang ay halos araw-araw ang naranasang technical problem ng MRT-3 dahilan upang maperwisyo ang daan-daang mga commuter.
AR / DWIZ 882 / Karambola Interview
‘MRT-LRT common station’
By Len Aguirre
Matapos ang pitong taon, nakatakda na rin ang ground-breaking ng common station para sa mga linya ng LRT at MRT.
Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, kasalukuyan na ang procurement process para sa proyekto.
Sinabi ni Chavez na ang common station ay may lawak na 13,000 square meters at ididikit sa SM North Edsa at sa Trinoma Mall.
Inaasahan anyang matatapos ang konstruksyon ng common station sa 2019 kasabay ng pagtatapos rin ng konstruksyon ng MRT 7.
—-