Isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang San Fernando City, Bayan ng Agoo, Balaoan, Bauang, at Sudipen simula ngayong araw, Oktubre 1 hanggang 14, 2021.
Inilagay naman sa General Community quarantine o GCQ ang mga bayan ng Aringay, Bacnotan, Bangar, Burgos, Caba, Bagulin, Luna, Pugo, San Juan, at Santo Tomas.
Habang ang mga bayan ng Naguilian, Rosario, San Gabriel, Santol, at Tubao ay isinailalim naman sa Modified GCQ.
Ayon kay Governor Francisco Emmanuel Ortega III, maaaring magpatupad ng kani-kanilang granular lockdown ang bawat barangay kung kinakakailangan.
Batay sa datos nitong Setyembre 27, umabot na sa 3,281 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa La Union. —sa panulat ni Hya Ludivico