Muling pumasok sa air defense zone ng Taiwan ang ilan pang Chinese military aircraft, kahapon.
Kinabibilangan ang mga military aircraft ng anim na fighter jets kaya’t agad ding nag-deploy ng mga fighter aircrafts ang Taiwanese airforce sa bahagi ng pratas island na kontrolado ng Taiwan.
Naganap ang panibagong insidente kasabay ng pulong nina US Secretary of state Antony Blinken at Chinese foreign Minister Wang Yi sa sidelines ng G20 summit sa Rome, Italy.
Tumagal ng isang oras ang pag-uusap nina Blinken at Yi hinggil sa issue sa Taiwan strait.
Bagaman suportado ng U.S. ang kalayaan ng Taiwan, iginigiit naman ng China na bahagi ng kanilang bansa ang naturang isla, dapat lamang bawiin sa pamamagitan ng diplomasya o dahas.—sa panulat ni Drew Nacino