Ilang Chinese vessels ang namataang umaaligid malapit sa Pagasa Island sa West Philippine Sea, kahapon.
Napansin ang grupo ng mga Chinese vessel ng ilang mamamayahag habang lulan ng eroplanong nagtungo sa pagasa kung saan matatagpuan ang Naval Station Emilio Liwanag.
Gayunman, bago lumapag ang Philippine aircraft ay nakatanggap ang kapitan nito ng radio challenges mula sa Chinese Coast Guard na nagtataboy sa mga paparating na Pinoy.
Ayon kay Lt. Ryan Cellan, Commanding Officer ng naturang istasyon, hindi na bago ang paninita ng Chinese Coast Guard sa mga pumupunta sa Pagasa Island.
Ang Pagasa ang isa sa pinaka-malaking isla na okupado ng pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands.
Kamakailan ay tinangka ring harangin ng mga Chinese vessel ang supply ship ng Armed Forces of the Philippines na patungong Ayungin Shoal. —sa panulat ni Drew Nacino